Hindi lamang isang pandaigdigang krisis sa kalusugan ang pandemyang COVID-19— apektado nito ang bawat saray at aspeto ng lipunan. Hindi pa natin alam kung hanggang kailan tatagal ang krisis na ito, ngunit ang malinaw sa ngayon, babaguhin nito ang ating paraan ng pagtatrabaho, paglalakbay, pag-aaral, at pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa sa mga susunod na buwan, o hindi kaya’y taon.
Palagi nating naririnig ang mga paalala kung paano mangalaga sa ating kalusugan. Ngunit higit pa sa ating personal na kalusugan, nabigyang pansin na ba natin ang ating “kalusugang digital”? Ngayong pinilit tayo ng pandemya na lumipat sa mga bagong teknolohiya para sa ating pang-araw-araw na buhay, kailangan nating pag-isipan ang seguridad ng ating mga gadgets—mga bagay na parang karugtong na ng ating sarili.
Tulad ng pagpapa-alala sa atin nang madalas na paghugas ng kamay, 20 segundo bawat beses, kailangan nating tignan kung gaano kalinis at ligtas ang ating mga gadgets at apps. Ang kalusugang digital ay ang unang hakbang laban sa mga bago at patuloy na nagbabagong banta gaya ng malisyosong email, budol-budol sa Internet, pagnakaw ng impormasyon, panliligalig at panloloko, pag-hack ng account at gadgets, at iba pa. Ang totoo, tayong mga tao at hindi teknolohiya ang dahilan sa karamihan ng mga hack. At dahil sa ‘bagong normal’ na kinapapalooban natin ngayon, lalong lumalaganap ang pag-atake sa Internet ngayong panahon ng COVID-19; isang halimbawa nito ay ang virus sa kompyuter na kunyari’y isang mapa ng mga lugar na apektado ng coronavirus.
Sa ganitong kalagayan, ipapakita namin sa inyo kung paano manatiling ligtas laban sa mga virus sa kompyuter, at magbibigay rin kami ng mga mainam na alternatibo sa mga madalas nating ginagamit na app at tool para sa pagtatrabaho sa Internet.
Ngayong marami sa atin ang lumipat sa remote working from home o pagtrabaho mula sa bahay, kailangang seguruhin ang kalusugang digital ng ating trabaho. Nang sa gayon, ligtas ang mga impormasyong nilalaman ng ating mga file. Tingnan ang listahan sa ibaba ng mainam na gawi bago magsimula sa trabaho araw-araw:
Ang ipinakita namin sa nauna ay kalusugang digital para sa personal na antas. Sa pagtatrabaho mula sa bahay o malayo sa opisina, obligado tayong makipag-ugnayan sa mga taong hindi kasing sinop sa kalusugang digital.
Pero mayroon nga bang mga app at platform na ligtas, mapagkakatiwalaan, at maayos para sa malayuang pagtatrabaho? May ilang rekumendasyon kami dito sa EngageMedia, ngunit, ang katotohanan ay walang tiyak na sagot ang katanungang ito. Ayon sa Tactical Tech sa “Technology is Stupid”: “Ang kaisipang may mga kagamitang angkop sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar, nang walang kailangang karagdagan kaalaman at walang kailangang karagdagang kagamitan, na patas at ligtas para sa lahat ng tao sa lahat ng oras, ay isang panaginip na hindi pa nagkakatotoo.”
Ngunit, kahit walang perpektong kagamitan na ligtas at madaling gamitin, inihahain namin dito ang mga alternatibong tool na angkop sa malayuang pagtatrabaho. Ngunit una sa lahat, inirerekumenda naming basahin muna ang artikulo na ito upang maintindihan kung paano gumagana ang mga online tool at bakit kailangan nating maging mas alisto sa panahon ng COVID-19.
Laging may halong panganib ang pag-konek sa Internet. Laging may nakasubaybay kung ano ang ginagawa natin at peligroso ang ating data. Ngunit kahit walang lubos na ligtas na paraan ngayon, dapat hindi natin ibali-wala ang kaligtasan sa Internet.
Kapag pipili ng gagamiting app o software sa ating pagtatrabaho sa Internet, isang madaling paraan ng pagsusuri ay ang pagbasa ng privacy policy ng mga ito, at tignan kung anong klaseng encryption ang kanilang ginagamit. Maraming nagmamalaki ng kanilang paggamit ng encryption, ngunit dapat nating alalahanin na hindi lahat ng encryption ay parehas at maraming kilalang app ay walang end-to-end na encyption. Halimbawa nito ay Zoom. Ito ngayon ang paboritong app para sa online video conferencing, ngunit hindi end-to-end ang encryption niya. Ibig sabihin, madali ang paniniktik o surveillance sa ating mga miting kapag ito ang gamit.
Bilang panghuli, suhetibo at may kanya-kanyang konteksto ang bawat isa sa usapin ng digital security. Anuman ang gagamitin natin para sa ating seguridad ay nakabase sa ating pangangailangan at gawi. Ang bawat isa lamang ang nakakaalam kung ano bang data o impormasyon ang nais niyang protektahan at, pagkatapos, magpasya kung ano bang app o software ang nararapat na gamitin.
Kung may nalalaman pa kayong mga kaparehang app at software na magagamit, ipaalam n’yo lang sa amin! Patuloy naming dadagdagan ang gabay na ito, lalo’t na kapag may mga bagong security update ang mga inilista namin dito. Ang kalusugang digital ng isa ay ambag sa kabuuang kaligtasan ng mas nakararami.
Si Darika Bamrungchok ay ang Digital Rights Manager (Mekong) sa EngageMedia, at nagtratrabaho sa Bangkok. Namumuno siya ng isang programa para sa karapatang digital at kaligtasang digital na programa Thailand. Interesado siya sa teknolohiya at karapatang pantao sa ilalim ng mga makabagong awtoritaryong rehimen.